GIRL INTERRUPTED

GIRL INTERRUPTED

Girl Interrupted

AVERAGE EVERYDAY SANE PSYCHO SUPERGODDESS

12.26.2004

PASKO NG PAGKAMATAY AT PAGKABUHAY

 
Simula pa noong bata ako, parating masaya ang pasko. Ang pasko para sa akin ay pagsasama-sama, pagpapalitan ng regalo, paghingi at pagbibigay ng aguinaldo, kantahang walang katapusan, sayawang walang katapusan din, masasarap na pagkain, kwentuhan at kalokohan, tawanan at iyakan. Magkakapiling at nagmamahalan kami ng aking mga kapatid, buong pamilya, mga kaibigan, at iba pang mahal sa buhay.


Pero iba ngayon. Kung sa loob ng labingsiyam na taon ay pinakaaabangan ko ang Disyembre para sa selebrasyon na ito, sa ika-dalawampung taon ng aking buhay ay hindi ko ginusto ang pagsapit ng pasko. Ngayon lamang ito naging malungkot at malamig.


Ilang buwan lang nang mamatay ang aking Tatay. Isang linggo lang nang mamatay ang aking Lola Meng. Kaya nga, ang San Pedro family at ang Ocol family ay naghihinagpis pa nang dumating ang pasko.


Mahirap makisaya sa kabila ng pagdurugo ng puso. Para bang ang bawat buong pamilya na may buhay pang mga lolo at lola ay insulto sa akin. Parang ang bawat paghahanda tulad ng mga nagkikislapang ilaw, mga bagong damit, at mga masasarap na pagkain ay tampalasan sa sariwa pang alaala ng aking mga pinakamamahal na kamag-anak. Kulang talaga kung wala sila.


Gayunpaman, sa diwa man lamang ng pasko at dala ng pagkapit ko sa optimismo ay nakisali pa rin ako sa mga paghahanda. Ibinili ko ng regalo ang aking mga kapamilya, kaibigan, at mga inaanak. May kakaibang tuwang hatid sa akin ang pamimili para sa kanila (siguro dahil sa hilig ko talaga ang magregalo at hilig ko rin talagang-talaga ang pagsho-shopping, super!). Nakisali ako sa pamimili at pagluluto para sa Noche Buena. Dahil nagsa-South Beach Diet ako ngayon, wala ang kinasanayan na naming fruit salad. Kapalit nito ay naghanda ako ng baked tahong. Bumili rin kami ng chicharong bulaklak, barbeque, pizza, fried chicken, at maraming-maraming prutas. Kami ng sister ko ang nagtayo at nag-ayos sa Christmas tree at iba pang dekorasyong pang-pasko. Medyo pa-simple nga lang kami ngayon. Kapalit ng tradisyunal na pula at berdeng kombinasyon ay ang mas tahimik ngunit mas eleganteng blue-silver.


Nakisunod nga ako sa mga pagsasaya at tradisyong pang-pasko. Subalit, wala ang aking puso dito. Ang mga dating sobrang nagpapasaya sa akin ay parang nakakadagdag lang sa pagdadalamhati.


Lahat ng ito hanggang sa mismong araw ng pasko.


Simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ay nagdiwang kami ng mga Ocol sa Lakeview. Mula naman doon ay dumiretso kami sa San Pedro party na alas-dose na nang matapos.


Medyo iba nga sa mga nakaraang pasko. Halata sa lahat ng kamag-anak ko (lalo na sa mga San Pedro dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas nang magsama-sama kami sa lamay at libing ni lola) ang kalungkutan. Siguro nahalata ko talaga ito dahil sa sobra ang effort at pagpapakita nilang eksternal na masaya at maayos ang lahat. Halatang itinatago nila ang nasa loob nila. Basang-basa ko ang ganoong kilos nila dahil ganoon din ako.


Pero actually, mas kumportable ako sa ganoon. Sawang-sawa na kasi ako sa mga sobrang nangungulit sa akin tungkol sa nararamdaman ko sa pagkawala ng malapit kong lolo at lola. Ano ba ang gusto nila, ang umiyak at umiyak na lang ako? Kahit naman iiyak ko ang lahat ng maiiyak ko ay walang magbabago. Hindi naman sila tatayo sa kanilang libingan at mabubuhay muli. Sawang-sawa na rin ako sa mga sobra kung sumubok na pasayahin ako. Ano ba ang gusto nila, ang idedma ko na lang ang mga pangyayaring malakas talaga ang epekto sa aking buhay? Hindi naman nila alam kung gaano kahirap magpatuloy at bumalik sa dati. Hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko. Kaya nga, mas nagustuhan ko ang pagtrato sa akin ng aking mga kamag-anak. Naroon pa rin ang pakikipag-isang loob pero natural, walang pressure. Alam kong makakausap ko sila at matatakbuhan sa oras na gustuhin o kailanganin ko. Pero hindi nila ako kinukulit. Alam nilang dapat masaya ang pasko kaya sinusubukan nilang maging masaya kaming lahat.


Nagkaroon ng masarap na kainan. (Grabe, dami kong nakain! Buti na lang sa South Beach Diet eh ok lang kumain ng marami basta ispesipiko sa kinakain.) Nagbigayan ng regalo. (Ang dami kong gifts! Bongga! At tuwang-tuwa ako na super na-appreciate ng dalawang baby boys kong inaanak ang hologram Spiderman at Finding Nemo watches na bigay ko! Sinuot na nga nila kaagad.) Syempre may kantahan at sayawan (Mawawala ba ang rendition ko ng Material Girl? Of course not! At nag-duet pa kami ng daddy ko sa Don't Cry Joni. Syempre, pinakita ko rin ang pagka-party girl ko.) May inuman din. (Pero konti lang ang ininom ko. Bukod sa bawal sa South Beach eh nakatingin kasi ang mommy ko. Alangan namang magpaka-tunggera ako. May iba pang okasyon para riyan.) May pila sa mga ninong at ninang pati na tito at tita para sa aguinaldo. (Super bawing-bawi ako sa maraming gifts na binili ko sa laki ng napamaskuhan ko. Hehe...) Picture Picture galore rin kami ng mga pinsan ko. (Say cheese! Oh pose, by family, by age group, by friends, by this group, by that group, by all groups you can imagine... Camwhores talaga! Hehe... Alam niyo na ngayon saan ako nagmana.)


Hindi ko alam kung kailan partikular na nangyari. (Parang mayroon pareho sa Ocol at San Pedro Christmas celebrations.) Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung bakit. Pero basta nangyari.


Naging masaya ang pasko sa kabila ng mga pagkamatay na hinarap namin. Hindi pa rin syempre nawawala ang kalungkutan at pangungulila (Aba, hindi naman basta basta 'yun! Mahal na mahal ko syempre ang lolo at lola ko!) pero parang naisantabi ang pangit na mukha nito kahit sa ilang sandali. Ang magandang kalahati lamang nito na puno ng pag-asa at pagmamahal ang nagpakita.


Pasensiya na at wala akong grand explanation o deep insight. Ito lang ang maibabahagi ko:


Mahirap mamatayan. Mahirap maging masaya kapag may problema. Mahirap ipagdiwang ang pasko gayung maraming kawalan. Pero buhay. Buhay talaga ang pasko. Buhay na buhay. Buhay ito dahil ang pasko ay pagmamahal. Hindi naman namamatay ang pagmamahal. Wala namang alam na kakulangan at problema ang pagmamahal. Kahit ano, kaya. Ayos ang lahat. Kailangan lang na maliwanagan tayo sa kung ano ba talaga ang importante.


Iba talaga ang paskong ito. May halo mang pait (at konting anghang pa nga!) ang tamis at tuwa sa paskong ito, masasabi kong ito ang pinakamakabuluhang pasko ko hanggang ngayon. Ito ay isang pasko ng pagkamatay ngunit isa ring pasko ng pagkabuhay.

------------------

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Technorati Profile

BlogShares Profile


GIRL INTERRUPTED

GIRL INTERRUPTED

GIRL INTERRUPTED


Hi! I am Rachelle and this is my online journal.

Hear what I have to say. Look and see inside of me. Enter the mind of a girl, interrupted.

---------

About the girl:
---------

The world is my notebook. Here are my scribbles:
---------

Lines running over and over in my head:
---------

Other worlds of words:

---------

Centerfold:
---------

Back Issues:

  • 04.2004
  • 05.2004
  • 06.2004
  • 07.2004
  • 08.2004
  • 09.2004
  • 10.2004
  • 11.2004
  • 12.2004
  • 01.2005
  • 02.2005
  • 03.2005
  • 04.2005
  • 05.2005
  • 06.2005
  • 07.2005
  • 08.2005
  • 10.2005
  • 11.2005
  • 12.2005
  • 01.2006
  • 02.2006
  • 02.2007
  • 03.2007
  • 05.2007
  • 06.2007
  • 07.2007
  • 08.2007
  • 12.2007
  • 01.2008
  • 02.2008
  • 03.2008
  • 12.2008
  • 02.2009
  • 11.2009
  • ---------

    Everything on this site, unless stated otherwise, belongs to Rachelle San Pedro. Please respect intellectual and artistic property. Rights reserved.

    Creative Commons License

    This work is protected by a Creative Commons License.

    No part of this blog may be used, copied, and/or reproduced without the consent of the blog owner. Any violation is subject to criminal persecution.

    ---------

    Image hosted by Photobucket.com

    WARNING!!!
    Site is off-limits to dad!

    If you are my dad and you are so hard-headed that you're still reading this, exit immediately. Trust daddy! Trust! I'd really hate you if I find out you are still snooping around.

    ---------

    All comments (courtesy of Haloscan from 4.6.2004-3.21.2005 and Blogger thereonafter) are stored but will no longer be displayed.

    Commenting system already disabled since this blog now only kept for posterity sake, cross-postings aside.

    You may visit me at

    www.fairytale-not.
    livejournal.com

    and

    www.missprim
    butnotproper.
    multiply.com

    ---------

    FRIENDS, FEEL FREE TO ADD ME UP IN FRIENDSTER, LIVE JOURNAL, AND MULTIPLY! :)

    ---------

    Thank you very much for dropping by and reading my journal.

    This page has been flicked this number of times: