Sh*t, kinikilig ako! Malapit nang matapos ang telenovelang pinakasusubaybayan ko. Ano pa ba? Syempre naman
Sana'y Wala Nang Wakas. Ibang klaseng kwento ng pag-ibig at drama ng buhay. Ang ganda talaga kaya di ko na napigilan ang magpagkajologs. Hehe... Wala namang masama eh. Basta masaya ako, yun na 'yon. ;p
Nasa A.S.A.P. Mania nga yung loveteams tsaka buong cast ngayon. Ang cute nila! Nakapangkasal pa talaga silang lahat. Ang ganda ng wedding gown nina Angelika at Kristine. Kinanta nila yung mga theme songs ng magkaka-loveteam na Maybe nina Ara at Leo tsaka Ok Lang ni Mary-Ann para kay Christian. Hmmm... Sino kaya ang magkakatuluyan? Ara-Leo? Ara-Christian? Mary Ann-Christian? Or baka naman yung the best, Christian-Leo? Hehe... :)
Haaaayyy... Tingnan nga natin. Kung yung theme ng telenovela talaga ang susundin tsaka maniniwala tayo sa tadhana at papangatawanan ang title eh sina Ara at Christian dapat. Silang dalawa nga ang leading sa text votes. At malamang sila rin ang gusto ng ABS-CBN management. Huwag lang sana masyadong kareerin ang pagpapaboto. Sobrang tagal at may kailangan pang-i-download para kumita sila. Pera na naman ang inaatupag eh. Kaya nga ako, kahit gusto ko eh hindi ako bumoto.
Sa kabilang banda, kung 'totoong buhay' ang pag-uusapan at mas dakilang pag-ibig (yung mapagparayang pag-ibig, yung 'kung saan ka masaya, suportahan taka' type ng love) eh mas mabuti nang maging masaya silang lahat sa piling ng kanya-kanyang nagmamahal sa kanila. May mga second chances naman talaga sa buhay eh. Kailangang saluhin ang binabato sa atin ng Diyos. Mayroon talagang mga bagong taong makikilala at bagong karanasan para sa ikabubuti natin. Kung susundin yun, si Ara ay para kay Leo at si Christian ay para kay Mary-Ann. Isa pa, mas epektibo yung ganung paglo-love team. Umamin na sina Diether at Kristine na sila nang dalawa, obvious naman yung chemistry nila on screen. Sina (Papa) Echo naman at Angelika eh talaga namang may 'past' na.
Well, ang mga nanonood naman ang magdedesisyon ng ending ng kwento kaya tignan na lang natin kung sino ba talaga ang para kanino sa mata ng sambayanang Pilipino. Nakakaloka na talaga ang soap na ito! Sa akin naman, kahit sino ang magkatuluyan eh ok lang. Sigurado namang bibigyan ng mga direktor ng closure ang bawat karakter. Basta naman artistic at literary ang storyline. Mas gusto ko na rin na hindi ko mahulaan kung sino ba talaga. Wait and see na lang ako.
Naku, dapat pala maaga akong uwi sa buong linggo na ito para mapanood ko ang huling mga episode. Bwisit naman may pang-gabi akong klase.
Hay... kakilig talaga ever! Napapakanta tuloy ako.
"Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan
Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin
'Di lamang pag-ibig ko
'Di lamang ang buhay ko
Ibibigay sa ngalan ng pag-ibig mo
Higit pa riyan aking mahal ang alay ko."
- Sana'y Wala Nang Wakas, Sharon Cuneta
Karagdagan: Para sa buong titik ng kantang "Sana'y Wala Nang Wakas" ay pumunta dito.
*** spat out from the mind of Rachelle @ 1:23 PM

